Binata kinatay, ibinaon ng 3 senglot
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Patay na at nakalibing ang kalahati ng katawan nang matagpuan ng mga kaanak ang isang 34-anyos na binata matapos pagsasaksakin ng tatlong kainuman sa Sitio Ngob-Ngob, Brgy. Tumalaytay, Mandaon, Masbate kamakalawa ng hapon.

Agad nasawi dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Norbin Bulalacao, mangi­ngisda ng Brgy. Bugtong.

Tinutugis naman ng mga pulis ang tumakas na mga suspek na kinilalang sina Jojo Tupas, Samuel Tupas at Buenvinido Balbuena.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, nakita ng ilang saksi na nag-iinuman ang biktima at mga suspek. Gayunman, nang malasing biglang pinagtulungang pagsasaksakin ng mga suspek ang biktima na hindi nakapanlaban.

Matapos na mapaslang, hinila pa ng mga suspek si Bulalacao patungo sa tabing dagat at doon tinangkang ilibing pero iniwan at tumakas habang nakalitaw ang kalahati ng katawan ng biktima.

Lumalabas na dati nang may alitan ang mga suspek at biktima.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with