Nasa larawan ang wasak na wasak na mga unahang bahagi ng dalawang trak na nagsalpukan habang tulung-tulong naman ang mga tauhan ng rescue team na mailabas ang nasawing driver ng Isuzu Forward truck sa nangyaring karambola sa Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kahapon ng umaga.
Rhoderick Beñez
1 patay sa karambola ng 3 sasakyan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa ang naiulat na nasawi habang isa pa ang kritikal matapos na magkasalpukan ang tatlong sasakyan sa National Highway ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing tsuper ng Forward truck (GHA 910) na si Rene Apurada, 43-anyos, nakatira sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat habang kritikal naman ang drayber ng wing van (CYL 420) na si Nilo Tabuhay, 47-anyos.

Sa ulat ng PNP-Isulan, pasado alas-6:00 kahapon ng umaga nang patungo sana ng bayan ng Esperanza ang wing nang makabanggaan ang isang Forward truck at ang isang Mazda Town Ace (temporary plate 1201-388003) na minamaneho ni Afdal Usok.

Lulan ng mga produktong palm oil ang wing van at kumalat sa kalsada ang mga karga nitong mantika kung saan wasak at nayupi naman ang harapan ng wing van at Forward truck gayundin ang isang Mazda.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing aksidente.

ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with