Ayon sa AFP-Eastern Mindanao Command, dakong ala-1:00 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng Army’s 36th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng superbisyon ni Lt. Col. Xerxes Trinidad ang nasa mahigit sampung armadong rebelde habang nagsasagawa sila ng combat patrol sa liblib na bahagi ng naturang barangay.
4 NPA tepok sa bakbakan
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muli na namang nalagasan ang hanay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos bumulagta ang apat nitong miyembro nang makabakbakan ang tropa ng militar sa Brgy. Cancavan, Carmen, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon.

Ayon sa AFP-Eastern Mindanao Command, dakong ala-1:00 ng hapon nang makasagupa ng tropa ng Army’s 36th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng superbisyon ni Lt. Col. Xerxes Trinidad ang nasa mahigit sampung armadong rebelde habang nagsasagawa sila ng combat patrol sa liblib na bahagi ng naturang barangay.

Ang palitan ng putok ay tumagal ng 15 minuto kung saan nasawi ang tatlong rebelde habang su­gatan namang isinugod sa pagamutan ang isa pang kasamahan nito pero binawian din ng buhay habang ginagamot.

Masuwerte namang wa­lang nasugatan at napatay sa panig ng tropa ng pama­halaan.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang limang matataas na kalibre ng armas na kinabibila­ngan ng tatlong AK 47 at dalawang M-16 armalite rifle, 12 magazine ng AK 47, dalawang magazine ng M-16, tatlong cellular phones, sari-saring mga bala, mga personal na kagamitan at backpacks na naglalaman ng mga subersibong dokumento.

NEW PEOPLE’S ARMY SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with