Mag-ina na empleyado ng DENR tinambangan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY , Philippines  —  Pinaniniwalaang may kinalaman sa trabaho ang tangkang pagpaslang sa mag-inang kawani ng Department of Environment and Natural Resources o DENR-12 matapos na tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ang mga ito ng tricycle sa Brgy. Zone IV sa Koronadal City, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Koronadal City PNP na pinamumunuan ni Police Lt. Col Rey Egos ang mga biktima na sina Hazna Potri Sabdulla at Bai Mariam Sabdullah, kapwa ng DENR-12 regional office at nakatira sa Purok Clemente, Barangay Zone 4, Koronadal City. Ang mga biktima ay binaril ng dalawang suspek na nakasakay sa Honda XRM motorcycle na walang license plate.

CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with