De La Salle coed hinalay, pinatay
(Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malagim ang sinapit ng isang 21 anyos na estudyante ng De La Salle University-Lipa na hinihinalang ginahasa muna bago pinaslang sa loob ng kaniyang dormitoryo sa lungsod ng Lipa sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Fidex Therese Maranan, nanunuluyan sa dormitory sa Lourdes Street, Miracle Heights Subdivision sa Brgy. Antipolo del Norte ng lungsod.

Ang biktima ay isang 4th year college student sa De La Salle University sa lungsod ng Lipa.

Sa ulat na tinanggap ni CALABARZON Police Director Police Brig. Gen. Edward Carranza mula kay Batangas Police Provincial Office (PPO) Director Police Colonel Edwin Quilates, ang bangkay ng dalaga ay nadiskubre dakong alas-3:30 ng hapon kamakalawa.

Ang biktima ay duguan at nakabalot ng kumot ang hubo’t hubad na katawan sa ibaba ng kama sa kuwarto nito sa kaniyang dormitoryo sa lugar.

Sinabi ni Quilates na nagtamo ang biktima ng ma­tinding pukpok sa ulo mula sa isang matigas na bagay bukod pa sa tinamo nitong saksak sa kaniyang leeg.

Ayon sa opisyal, nadiskubre lamang ang krimen matapos na bumisita sa dormitory ng dalaga ang kaniyang pinsan na si Romulo Maranan.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang mabigyang hustisya ang sinapit ng biktima at masakote ang mga salarin.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with