3 holdaper bulagta sa shootout, 1 pa nakatakas
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang kilabot na miyembro ng robbery/holdup gang ang napaslang habang isa pa ang nakatakas matapos na kumasa sa tumugis na mga operatiba ng pulisya sa naganap na shootout nitong Sabado ng madaling araw sa ba­yan ng Malvar, Batangas.

Sa ulat ni CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) Police Director P/Brig. Gen. Edward Carranza, dakong alas -12:50 ng madaling araw nang mangyari ang bakbakan sa kahabaan ng JP Laurel highway sa Brgy. Luta Sur, Malvar.

Nauna rito, nangholdap ang apat na suspek na magkakaangkas sa dalawang motorsiklo sa Shell Gasoline Station sa Brgy. Bugtong, Lipa City.

 Matapos ang insidente  ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng JP Laurel highway sa Malvar kung saan tinugis ang mga ito ng pinagsanib na elemento ng Lipa City Police at Malvar Police.

 Eksakto namang daraan sa checkpoint ang mga suspek  na minamando ng mga operatiba ng Malvar Police pero sa halip na huminto ay nagpaputok ang mga ito ng baril sa mga pulis.

Inabutan rin ng mga tumutugis na operatiba ng Lipa City Police ang mga suspek  sa nasabing checkpoint kung saan nagkaroon ng umaatikabong putukan sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga holdaper hanggang mapatay ang mga ito.

 Narekober sa pinangyarihan ng barilan ang isang Colt MK IV cal. 45 pistol, dalawang Remington cal. 45 pistol, isang kulay dilaw na Yamaha Mio at isang kulay itim na Honda TMX.

 Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa isa pang nakatakas na holdaper.

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with