Makikita sa larawan ang mga suspek matapos na maaresto ng Gen Trias Police.
Maria Cristina Go Timbang
Abandonadong bahay ginawang one stop shop ng droga, 8 tiklo
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Cavite , Philippines —Nadakip ang walong hinihinalaang mga tulak at gumagamit ng droga kabilang ang isang misis sa isang abandonadong bahay na ginawang One Stop shop ng droga sa isang drugbust operation ng General Trias Police sa pangunguna ni Police Supt. Paul Bometivo kahapon ng madaling araw sa Tierra Nevada Subdivision, Brgy San Francisco, Gen Trias, Cavite. 

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina,  Eme­lita Perey, nasa hustong gulang, nag-okupa sa abandonadong bahay at ginawa nitong one stop shop ng shabu at dati nang nakulong sa kaso ding droga; Jonathan Banaag,  nasa hustong gulang, nasa drugwatch  list ng pulisya; Rodolfo Alicante, nasa hustong gulang, dati na ding nakulong sa kasong Robbery; Christopher Llaban Jr; Rafael Gonzales, Jomarie Ponzalan, Jonnel Luna at si Rolando Golfeo, pawang mga residente ng nasabing lugar.  

Sa panayam kay Col. Bometivo, alas-3:40 ng mada­ling araw ng isagawa ng mga ito ang isang drugbust sa target person na si Perey. 

Nakuha sa mga suspek at sa loob ng bahay ang mga samut-saring drug paraphernalias at shabu na aabot sa mahigit sa 51 gramo na tinatayang may halagang mahigit kumulang sa kalahating milyong piso.

ONE STOP SHOP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with