Mag-ama tumalon sa bus, tatay tigok
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

Legazpi City, Philippines —Patay ang isang 43-anyos na mister habang sugatan ang kanyang anak matapos tumalon sa bus na nawalan ng preno habang binabaybay ang kahabaan ng national highway sa Brgy. Comapo-capo sa bayan ng Pilar, Sorsogon kamakalawa ng madaling araw.

Dead-on-the spot dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Ronnie Juntilla Gelison habang sugatan rin at isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City ang anak na si Vince Jeronn Gelison, 11-anyos, pawang residente ng Sandejas St., Lozada Compound, Brgy.Tambo, Parañaque City.

Sa ulat, dakong alas-3:40 ng madaling araw, binabaybay ng Rapinan Bus Lines na galing Maynila patungong Donsol, Sorsogon na minamaneho ni Emilio Condino Baay, 48-anyos, ang kahabaan ng highway nang biglang nawalan ng preno ang bus.

Sa pagkataranta ng mag-ama na parehong nakaupo sa unahang bahagi ay tumalon sila mula sa umaandar na bus.

Gayunman, masama ang naging bagsak ng mga biktima. Bumagok ang ulo ng tatay na si Ronnie dahilan ng malaking sugat sa ulo na agad nitong ikinasawi habang sugatan ang anak na si Vince Jeronn. Sugatan rin si Baay dahil sa pagsadsad ng minamanehong bus.

TIGOK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with