Ayon kay Atty. Jay Gerada, Provincial election supervisor na siya ring chairman ng Provincial Board of Canvassers, ilan sa mga dahilan ng pagkabalam sa resulta ng eleksiyon sa lokal ay ang pagkasira ng mga SD cards at ang delayed na transmission.
Boy Santos
Canvassing sa North Cotabato tatlong beses ipinagpaliban
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong beses nang ipinagpaliban ng Commission on Elections North Cotabato ang canvassing na isinasagawa nila sa Sangguniang Panlalawigan na nasa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City kahapon.

Ayon kay Atty. Jay Gerada, Provincial election supervisor na siya ring chairman ng Provincial Board of Canvassers, ilan sa mga dahilan ng pagkabalam sa resulta ng eleksiyon sa lokal ay ang pagkasira ng mga SD cards at ang delayed na transmission.

Hindi rin daw maipaliwanag ngayon ng COMELEC kung bakit nasira ang iilang mga SD Card sa kasagsagan ng halalan.

Sa ngayon ay nasa tatlong mga munisipyo pa ang hindi nakapag-transmit ng data sa COMELEC kabilang na rito ang Kidapawan City, Pikit at President Roxas.

Ayon kay Gerada, nag-abiso na ang National Technical Support Center o NTSC sa COMELEC na palitan ang mga pumalyang SD cards.

Sa Partial at unofficial results as of May 15, 2019, lamang si incumbent Congresswoman Nancy Catamco na nakakuha ng 268,822 votes laban sa katunggali nito na ama ng incumbent Governor na si Mayor Rogelio Taliño na nakakuha ng 266,564 votes. 

COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with