Dead-on-arrival sa pa­gamutan ang biktimang si Judge Reymar Lacaya, ng RTC Branch 28 ng nasabing munisipalidad bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.
facebook
Judge sa Zamboanga del Norte, itinumba
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang judge matapos pagbabarilin sa parking area ng courthouse building sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte, Huwebes ng hapon.

Dead-on-arrival sa pa­gamutan ang biktimang si Judge Reymar Lacaya, ng RTC Branch 28 ng nasabing munisipalidad bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Liloy Munici­pal Police, naganap ang insidente sa nasabing lugar pasado alas-3:00 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, pasakay sa kanyang Toyota Hilux pickup sa parking area nang pagbabarilin ng mga armadong salarin.

Narinig na lamang ang alingawngaw ng mga putok sa lugar at nang tunguhin ito ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya ay natagpuan ang duguang biktima sa kanyang behikulo.

Nabatid na katatalaga lamang ni Lacaya sa Liloy RTC mula sa bayan ng Sindangan may tatlong buwan pa lamang ang nakalilipas.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa mga kasong hinahawakan ng biktima ang motibo ng krimen habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.

JUDGE REYMAR LACAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with