Kinilala ang mga nasawing sina Bobby at Vilma Mangayao, pawang nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.
Mag-asawa niratrat, todas
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang negosyante na dating kagawad ng barangay at misis nito ang nasawi matapos paulanan ng bala ang kanilang tahanan ng ‘di pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. San Antonio sa bayan ng Sta. Maria, Davao Occidentel, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing sina Bobby at Vilma Mangayao, pawang nasa hustong gulang at residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi habang nasa loob ng kanilang tahanan ang mga biktima nang biglang duma­ting ang dalawang sasakyan na kulay itim at puti na may mga sakay na armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet at saka niratrat ng bala ang bahay ng mag-asawa na ikinasawi ng mga ito.

Nabatid na si Bobby ay naging trader ng abacca fiber matapos manungkulan bilang barangay kagawad noong 2007 hanggang 2010 habang ang misis nito ay pagsasaka ang pinagkakaabalahan. Sinisilip naman ng mga otoridad na alitan sa lupa ang motibo sa pamamaslang kung saan nakaalitan umano ni Bobby ang kanyang kapatid na babae na humantong pa sa pagsasampa ng kaso sa korte.

AMBUSH SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with