Bagong graduate, 2 paslit tostado sa sunog
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2019 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY , Philippines  —  Tatlo ang nasawi kabilang ang isang dalagang bagong graduate sa kolehiyo at dalawang paslit nang malitson matapos na ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa Brgy. Kalawag II sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, kamakalawa ng hapon.  Ang mga nasawi ay sina Sweetzel Mae Natabio, 22, bagong graduate sa kolehiyo; Prince Ryan Gillona, 5-anyos, at Julliane Heart Hitalia, 5 taong gulang; pawang residente sa Salem St., sa naturang lugar. 

Ayon sa ina ni Sweetzel Mae na si Marivic Natabio, nangyari ang sunog alas-3:30 kamakalawa ng hapon kung saan bigla umanong nagliyab ang boarding house kung saan nakatira ang mga biktima.Dahil umano sa lakas ng apoy ay hindi agad nakalabas ang mga biktima.

Naabo na ang bahay nang abutan ng mga bumbero dahil gawa lang ito sa light materials. Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng nasabing sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with