2 kelot umatras sa pusoy, tinodas
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pinag­lalamayan na rin ngayon ang dalawang mister na pinagbabaril ng kanilang kalaro sa pusoy matapos silang umayaw sa laban sa isang burol ng kanilang namatay na kaanak sa Brgy. Cubcuboot, Candon City, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, nagkaroon muna ng mainit na pagta­talo ang mga biktimang sina Ricardo Valdez Jr. at kaanak na si Ernesto Gadut sa mekanikong si Reynaldo Gamata ng Brgy. Lintic, Banayoyo saka sila itinumba ng huli.

Nagpulasan ang iba pang mga kaanak at bisita ng patay sa takot na madamay sa ngitngit ni Gamata na kaswal na naglakad palayo sa lugar.

Isinugod ng mga kaanak ang dalawang mister sa Candon Ge­neral Hospital kung saan sila idineklarang patay.

Naglunsad ng pagtutugis ang pulisya kay Gamata na umano’y armado at mapanganib.

SHOT DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with