^

Probinsiya

1 tigok, 2 arestado sa drug ops sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
1 tigok, 2 arestado sa drug ops sa Cavite
Ang napatay na suspek ay si Mama Page­toden Bintangol, nasa hustong gulang, may asa­wa at residente ng Green Valley, Brgy. Molino 3, ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang sinasabing bigtime na ‘tulak’ ng droga habang dalawang kasamahan nito ang arestado at tu­mataginting na P1.7-milyong halaga naman ng shabu ang nakumpis­ka sa mga ito sa isang drug operation ng mga otoridad sa Bacoor City, sa Cavite, kahapon.

Ang napatay na suspek ay si Mama Page­toden Bintangol, nasa  hustong gulang, may asa­wa at residente ng Green Valley, Brgy. Molino 3, ng naturang lungsod.

Swak naman sa kulungan ang dalawang kasamahan ni Bintangol na sina Allan Salik, 29 anyos at si Aladin Salik, 25; kapwa tubong Maguindanao at mga residente rin ng nasabing lugar.

Sa nakalap na ulat, matapos ang ilang araw na surveillance sa ilegal na gawain ng mga suspek ay sunod na isinagawa ang operasyon dakong ala-1:00 ng hapon kung saan naka-iskor ang pulis na tumayong buyer ng nasa P200,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Nang magpositibo ito, agad na itong dinakma ng pulisya subalit tumakbo at nanlaban ang isang suspek kung kaya nauwi ito sa engkuwentro.

Makalipas ang ilang minutong palitan ng pu-tok ay tumimbuwang si Bintangol habang naa­resto sina Allan at Aladin

Narekober sa mga ito ang may 250 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7-milyon at isang Honda CRV (XJJ 691), isang puting Toyota Innova, at isang kalibre .38 revolver na may mga bala.

vuukle comment

DRUG WAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with