^

Probinsiya

Harassment sa ilang residente ng Pangasinan, ibinulgar

Pilipino Star Ngayon
Harassment sa ilang residente ng Pangasinan, ibinulgar
Ayon kay PACC Chairman Secretary Dante Jimenez, ang lahat ng mga nasabing reklamo ay mula sa munisipalidad ng Bolinao, bayang nasa pinaka-kanlurang bahagi ng Pangasinan.

MANILA, Philippines — Sinisilip at pinaa­aksyunan na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga reklamo ng forced eviction, ilegal na reclamation, hindi pagbibigay ng benepisyo sa mga senior citizens, at umano’y pagpatay ng mga “untouchables” sa isang bayan sa Pangasinan na nabunyag matapos ang Regional Forum na isinagawa sa Lingayen.

Ayon kay PACC Chairman Secretary Dante Jimenez, ang lahat ng mga nasabing reklamo ay mula sa munisipalidad ng Bolinao, bayang nasa pinaka-kanlurang bahagi ng Pangasinan.

“Agarang aksyon ang hiningi namin sa mga regional directors ng Phi-lippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang concerned agencies na dumalo sa regional forum para maimbestigahan ang mga reklamo ng mga taga-Bolinao,” ani Jimenez.

Kabilang sa mga reklamo ay mula sa pa-milya ng 139 mangingisda na sapilitang pinaaalis sa baybayin ng Bolinao dahil sa umano’y “massive reclamation project” ng lokal na pamahalaan sa kanilang barangay.

“Naglabas din ng hinaing ang mga indigent senior citizens na may edad 70 pataas dahil sa hindi sila nakakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa DSWD at wala ring benepisyo mula sa LGU simula nang tumuntong sila ng edad 60,” dagdag pa ni Jimenez.

“At ang pinakamalala ay ang mga umano’y kaso ng pagpatay kung saan 26 beses pinagtataga ang mga biktima. Na-downgrade ang kaso sa homicide kaya ang mga suspek ay hindi pa rin nakukulong,” paliwanag niya.

Samantala, nagsisilbing alkalde ng Bolinao si Arnold “Noli” Celeste, ang kapatid ni Panga-sinan 1st District Representative Jesus Celeste na isa sa inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasama sa listahan ng mga politikong sangkot diumano sa ilegal na droga.

vuukle comment

HARASSMENT IN PANGASINAN

PRESIDENTIAL ANTI-CORRUPTION COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with