Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Junurimban Manalo Jr., Corporal Edgar Abing, Pfc. Arthur Garcia, Pfc Rufino Paster Jr., Private Danilo Constantino Jr. at Private Elben Lagrimas.
File Photo
6 sundalo utas, 6 sugatan sa encounter!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim na sundalo ang na­sawi habang anim pa ang nasugatan makaraang pasabugan ng bomba at paulanan ng bala ng nasa 20 na rebeldeng New People’s Army (NPA) na kanilang nakaengkuwentro sa liblib na bahagi ng Brgy. Buluan, Calbiga, Samar  nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Corporal Junurimban Manalo Jr., Corporal  Edgar Abing, Pfc. Arthur Garcia, Pfc Rufino Paster Jr., Private Danilo Constantino Jr. at Private Elben Lagrimas.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Sgt. Gilbert Benito Jr.,  Corporal Reymart Vigilia, Pfc Darwin Magoncia, Pfc Mark Kevin Frigillana, Pfc Joseph Salonga  at Pfc. Rex Español.

Sinabi ni AFP Central Command Chief Lt Gen. Noel Clement, bandang alas -2:45 ng madaling araw, ka­salukuyang nagsasagawa ng combat patrol ang 6th Infantry Battalion (IB) Phl Army sa pamumuno ni Sgt. Gilbert Benito sa lugar nang pasabugan sila ng improvised explosive device (IED) ng mga rebeldeng komunista.

 Sa kabila ng sorpresang pag-atake ng NPA, mabilis na gumanti ng putok ang mga sundalo na nauwi sa bakbakan na tumagal ng apat na oras hanggang sa magsiatras ang mga rebelde patungo sa hilagang kanlurang direksyon sa magubat na bahagi ng lugar bitbit ang mga nasugatan sa kanilang panig.

ARMY SOLDIER VS NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with