Patay na nang madiskubre sa ilalim ng ilog ang 23-anyos na utility boy na si Jhan Carlo Rentoy Buclatin, binata ng Humayaw, Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City.
3 patay sa pagkalunod
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Tatlo katao ang nilamon ng ilog at swimming pool habang nasa kasagsagan ng kanilang pagsu-swimming sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigang ito, iniulat kahapon. 

Patay na nang madiskubre sa ilalim ng ilog ang 23-anyos na utility boy na si Jhan Carlo Rentoy Buclatin, binata ng Humayaw, Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City.  

Nabatid na nagkayayaan ang biktima at mga barkada nito na maligo sa Riverside sa kanilang lugar ganap na alas-3:00 ng hapon. Habang nasa kasagsagan ng paliligo ay nawala ang biktima kung kaya hinanap ito ng mga kasama at makalipas ang may mahigit sa kalahating oras ay natagpuan sa kailaliman ng ilog.

Samantala, sa ilalim din ng isang swimming pool ng kanilang clubhouse natagpuan ang isa pa ring biktima ng pagkalunod ang pintor na si  Glen Corral Senosin, 39, may asawa, ng Blk-38, Lot-7, City Homes Resort Ville, R5 Club House, Brgy Langkaan 2, Dasmariñas City. Kasama naman ng biktima ang kanyang mga kapitbahay nang magkayayaang maligo sa nasabing pool ng subdibisyon dakong ala-1:05 ng hapon. 

Hinihinala namang lasing nang mag-dive sa ilog ang isa pang biktima na si Par Paloma, stay-in race track employee/helper sa Sta. Ana Race Park, Brgy. Sabang, Naic, Cavite at may ilang oras pa bago na-rescue ng mga rumespondeng coast guard at ilang barangay official na nagtulung-tulong sa paghahanap sa biktima sa Salag River sa Brgy. Timalan, Naic, Cavite.

CAVITE DEAD BY DROWNING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with