Estudyante nanloob sa police center, todas
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang isang 20-anyos na estudyante makaraang umano’y manlaban nang masita habang ninanakawan umano nito ang Community Police Assistance Center o COMPAC sa Upper Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng OIC Police Captain Samuel Bascon Jr. ng Tupi Police ang napatay na estudyante na si Reylan Katag, ng Sitio Bunawan, Polonuling, Tupi.

Ayon sa ulat, pasado alas-4:00 ng madaling araw habang papatakas na ang suspek mula sa pinagnakawan umanong COMPAC nang makita ng naka-duty na sina Police Corporal Villar at Police Corporal Malik Macadatar.

Tangay umano ni Katag sa tangka nitong pagtakas ang mga armas at bala mula sa pinagnakawan umano nitong bunkhouse ni Police Corporal Ariel Bancho kabilang dito ang isang issued long firearms na may magazine, bandolier ng M16 rifle na may tatlong magazine na puno ng mga bala at dalawang holster ng 45 pistol.

Sa halip na sumuko nakipagbarilan pa umano si Katag sa mga pulis na nakakita sa kanya na naging sanhi ng kanyang dagliang pagkasawi. Kasama rin sa mga narekober ng mga pulis sa suspek ang isang cell phone, firearms accessory at itim na Rusi motorcyle na walang license plate.

REYLAN KATAG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with