Roadside bombing: Parak sugatan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang pulis sa pagsabog ng isang roadside bomb sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao, kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Maguindanao Police Director Police Col. Ronald Briones na tinamaan sa likod at braso si P/Corporal Aratuc Balabagan na nakatalaga sa Ampatuan Police Station nang sumambulat ang bomba pasado alas-8:00 ng gabi.

Ayon kay Briones, kasama ang naturang sugatang pulis sa mga nagresponde sa kanilang mga kasamahan na hinaras umano ng hindi pa natukoy na armadong grupo sa Sitio Malasing, Barangay Salman, Ampatuan, kamakalawa.

Ngunit sumabog ang isang improvised explosive device o IED sa gilid ng kalsada at tumama sa sinasakyan nilang police car.

Naniniwala si Briones na posibleng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang nagtanim ng naturang bomba kasabay ng pagsalakay ng mga ito sa isang Cafgu outpost sa Brgy Kauran, Ampatuan.

ROADSIDE BOMBING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with