^

Probinsiya

College stude, 2 pa tiklo sa P2.4-M ‘damo’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
College stude, 2 pa tiklo sa P2.4-M �damo�
Ang mga inarestong suspek ay sina Paolalphiny Octavio, 20, kumukuha ng kursong Bachelor of Arts and Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa; Jaden Residuo at John Loyd Rojales, 21; pawang mga residente ng Muntinlupa City.

MANILA, Philippines — Isang college student at dalawang kasamahan nito ang natiklo ng mga otoridad nang makumpiskahan ng nasa P2.4-milyong halaga ng marijuana sa isang checkpoint sa kahabaan ng Bontoc-Kalinga road sa Sitio Cheta, Bontoc III, Bontoc , Mountain Province kamakalawa.

Ang mga inarestong suspek ay sina Paolalphiny Octavio, 20, kumukuha ng kursong Bachelor of Arts and Communications sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa; Jaden Residuo at John Loyd Rojales, 21; pawang mga residente ng Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, ang mga suspek ay nasakote matapos na i-tip ng isang concerned citizen hinggil sa planong pagbibiyahe ng mga suspek ng ilegal na droga lulan ng pampasaherong jeepney na may rutang Tinglayan-Bontoc sa lalawigan.

Agad namang naglatag ng checkpoint ang mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at naharang ang behikulong sinasakyan ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 18 piraso ng marijuana bricks, apat na piraso ng tubular marijuana na tumitimbang ng higit sa 20 kilos at nagkakahalaga ng P2.4-milyon, drug paraphernalia, sari-saring mga IDs at tatlong cellular phone.

Himas-rehas na ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with