^

Probinsiya

Trahedya sa outing: 5 patay!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Trahedya sa outing: 5 patay!

MANILA, Philippines — Sa kabila na limang beses nang nasiraan sa daan, tumuloy pa rin sa biyahe para sa outing ang isang jeepney sanhi upang tuluyang sumalpok ito sa concrete barrier na ikinasawi ng lima katao sa bayan ng Ibaan, Batangas noong Sabado.

Ayon kay Police Exe­cutive Master Sgt. Ernie Pajinola ng Ibaan police, binabagtas ng jeep na minamaneho ni Wilfredo Macabudbod ang bahagi ng daan sa Barangay Balanga, Ibaan nang bigla itong mawalan ng preno at sumalpok sa konkretong barrier.

Nabatid na galing sa Calamba City ang naturang jeep na may sakay na 19 katao at papunta sana ng Lobo, Batangas para mag-swimming sa kasagsagan ng Sabado de Gloria.

 Subalit habang papunta sa naturang lugar ay limang beses na umanong nasira­an ang naturang sasakyan subalit pinilit pa rin ng mga sakay nito na ituloy ang kanilang biyahe.

Kabilang sa nasawi sa naturang aksidente si Macabudbod habang inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat pang namatay at mga sugatan.

Nananatili naman sa pagamutan ang iba pang pasahero ng jeep na nasaktan sa aksidente.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with