^

Probinsiya

Brodkaster itinumba ng senglot!

Gemma Garcia, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster itinumba ng senglot!

MANILA, Philippines — Patay ang isang broadcaster matapos siyang   pagsasaksakin ng isang lasing na lalaki kamakala-wa sa Butuan City.

Kinilala ang biktima na si Francisco Patindol, radio commentator ng DXJM station sa naturang lalawigan na nagtamo ng saksak sa kaliwang dibdib .

Mabilis na isinugod sa  MJ Santos Hospital ang biktima subalit binawian din siya ng buhay habang ginagamot.

Ayon kay PNP-Region 13 director Police Brig. Gen. Gilbert Cruz, si Patindol at kanyang kasama ay nasa isang photocopying center na matatagpuan sa Narra Road sa Barangay Society Village nang biglang atakihin ng suspek at undayan ng saksak sa dibdib.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ulating Macararampat Barapangcat alyas Ola Saransamen na umano’y lasing at bigla na lamang nilapitan ang grupo ng biktima at pinagsasaksak si Patindol alas-10:30 ng umaga.

Sinabi ni Cruz, na base sa salaysay ng asawa ng biktima, nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay ang kanyang asawa.

Sa kabila nito hindi pa rin matukoy ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with