^

Probinsiya

10 armado umatake: 2 utas!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
10 armado umatake:  2 utas!

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Dead-on-the-spot ang isang 32-anyos na mister matapos pasukin at pagbabarlin sa kanilang bahay ng 10 armadong lalaki habang napas-lang din ang isang 34-anyos na binata na nadaanan ng mga suspek habang patakas sa Brgy. Danao, Batuan, Mas­ba­te kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi makaraang magtamo ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Rey Canale Canelas habang napatay malapit sa basketball court si Angel Almine, kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, habang natutulog sa kanilang bahay si Canelas nang biglang dumating ang 10 gunmen at saka siya niratrat.

Apat sa mga suspek ang natukoy ng mga testigo na si Arjie Garde, Manny Garde, Bugoy Canale at Tuko Nacional.

Nabatid na nakita ni A­lmine sa ‘di kalayuan ang pag-atake kaya tinangka nitong tumawag sa cell phone para mag-report kay Brgy. Capt. Alfredo Canale Lachica pero nakita siya ng mga suspek kaya siya pinagbabaril.

Positibo ring kinilala ng asawa ng isa sa biktimang si Myrna Canelas ang apat sa mga suspek na pumasok at namaril sa kanilang bahay.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng iba pang gunmen.

Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala ng kalibre 9mm, M14 rifle at M16 armalite rifle.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with