^

Probinsiya

6-anyos nalunod sa pool

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isang 6-anyos na batang lalaki habang isinasalba sa ospital matapos na malunod habang naliligo sa swimming pool sa isang beach resort sa Brgy Tambler sa Gene­ral Santos City. Kinilala ang biktima na si Ricardo Butas Jr. residente ng Barangay Lagao ng lungsod kungsaan namatay rin pasado alas-10:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa ulat, kasama ng biktima ang kanyang lolo at lola ng maligo sa nasabing beach resort kungsaan sa loob ng resort ay may isang pool at doon naligo ang bata. Sa police blotter ng Tambler Police Station, iniulat ng mag-asawang Cerila at Alejandro Lachica Jr. ang nangyaring pagkalunod ng kanilang apo.

Nakita pa umano nila ang bata sa swimming pool at inakala nila na naliligo lamang sa mababang bahagi nito pero nang lingunin nila uli ay nakitang lumulutang na ito. Mabilis na isinugod ang bata sa ospital pero binawian din ng buhay habang ginagamot. 

vuukle comment

DROWNING POOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with