^

Probinsiya

2 ‘tulak’ dedo sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines  —  Dalawang lalaki na notoryus umanong tulak ng droga ang napatay makaraang manlaban sa pulisya sa mag­kahiwalay na buy-bust operation, iniulat kahapon.

Sa ulat kay Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial commander, nakilala ang dalawang napatay na suspek na sina Godville Cabanes, ng Brgy. Aduas Sur, Cabanatuan City; at Jeffrey Marcelo, alyas Eple, 30-anyos,    ng Brgy. Fatima, Cabanatuan City.

Ayon sa ulat, alas-8:40 ng gabi noong Huwebes Santo, nagsagawa ng buy-bust operation ang drug enforcement unit (DEU) ng Cabanatuan City Police sa suspek na si Marcelo. Nang magkaabutan na ng P500 marked money ay nakatunog umano ang suspek at nagpaputok ng baril sanhi ng shhotout at ikinamatay nito.

Samantala sa ulat ng Aliaga Police, napaslang ng kanilang mga tauhan ang suspek na si Cabanes sa isinagawang buy-bust operation, bandang alas-11:15 ng gabi sa Brgy. Bucot, Aliaga, Nueva Ecija matapos umanong manlaban  ang backup ng pulisya.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with