^

Probinsiya

7-anyos binaril ng 12-anyos, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki makaraang barilin ng kalarong 12-taong gulang sa gitna ng kanilang pag­lalaro noong Huwe­bes Santo sa Brgy. Caruray, San Vicente, Palawan, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni Police Lt. Col. Socrates Faltado, spokesman ng MIMAROPA Police ang nasawing biktima na si Jimuel Yara Garcia, dead-on- the-spot sa tinamong tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang  leeg.

Ang suspek ay itinago naman sa pangalang Mark bunga ng pagiging menor-de-edad nito at kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Faltado na nangyari bandang alas-10 ng umaga nitong Huwebes Santo ang insidente pero napaulat lamang sa pulis­ya dakong alas-4:30 ng hapon noong Biyernes Santo dahil may kalayuan at bulubundukin ang nasabing barangay.

Kasalukuyang nagla­laro umano ang biktima at ang suspek kung saan bunga ng kakulitan ay pinakialaman ng batang suspek ang baril ng kanyang amain na nakatago sa cabinet ng kanilang bahay. Bigla na lamang kinalabit ni Mark ang gatilyo at minalas namang nasapol ng tama ng bala sa leeg ang biktima na bumulagta sa damuhan.

Narinig naman ni Lilibeth Garcia, ina ng biktima ang putok ng baril kaya inu­tusan ang kanyang anak na babae na si Jenelyn na hanapin ang nakababatang kapatid na si Ji­muel. Gayunman, hinarang umano ng batang suspek si Jenelyn at sinabing wala si Jimuel sa kanilang bakuran hanggang sa makita nito na may dugo sa paa ang suspek na hindi naman nito pinansin.  

Kinagabihan bandang alas-7 ng gabi ay natagpuan ang bangkay ng batang biktima sa damuhan, may ilang metro lamang ang layo sa tahanan nito.

Nagresponde ang mga awtoridad sa lugar at natukoy na isang cal. 45 pistol na walang dokumento na kargado ng pitong bala habang 13 pang karagdagang bala na nakatago sa diaper ang narekober naman sa ta­hanan ng batang suspek.

Natukoy naman na ang armas ay pag-aari ni Joseto Vista, 41-anyos, magsasaka, at stepfather ng batang suspek ang may-ari ng armas na pinakialaman ng malikot na bata.

Nasa kustodya ng DSWD ang batang suspek at inaalam na ng pulisya ang pananagutan ng kanyang ama-amahan sa krimen. Gary Bernardo

 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with