^

Probinsiya

6 magkakaanak tusta sa sunog!

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Trahedya ang sumalubong sa anim katao kabilang ang anim na buwang sanggol na babae matapos na ma-trap at malitson nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Purok 9-B, Adecor Compound, Brgy. Poblacion, Maco, Compostela Valley Province, sa kasagsagan ng pagsalubong ng Huwebes Santo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ian Bilucora, 22-anyos; Rico Villacora, 18-anyos; Merjan Cline Ardon, 20; Carmen Bilucora, 56; Karen Busalla, 27, at isang 6-buwang sanggol.

Halos hindi makilala ang mga biktima dahil sa tindi ng pagkasunog sa katawan habang ang 12-anyos na si Jane Ryle Aporado ay patuloy na pinaghahanap.

Ayon kay Fire Chief Inspector Randolf Arbutante, provincial director ng Bureau of Fire Protection, mabilis umano ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa kahoy ang nasunog na bahay pasado alas-3:00 ng madaling araw. Nagawa pa umanong humingi ng saklolo ng mga biktima pero nakulong sila sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa mga awtoridad, natagpuan ang mga bangkay na nagkumpulan sa isang bahagi ng bahay. Nangungupahan lamang sa nasabing bahay ang pamilya Bilucora. Hindi umano sila nakalabas dahil sa napapalibutan ng grills ang naturang bahay.

 

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with