^

Probinsiya

Bomba sumabog sa police station

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niyanig ng malakas na pagsabog ang himpilan ng pulisya makaraang aksidenteng sumambulat ang narekober na bomba na nakaimbak sa Camp Domingo Leonor sa Davao City nitong Sabado de Gloria.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 11, sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, nangyari ang pagsabog dakong alas-11:30 ng tanghali sa compound ng Camp Domingo Leonor, Davao City Police Office sa San Pedro Street.

Ayon kay Banac, ang bomba ay nakalagay sa stockroom ng Explosives and Ordnance Dispo­sal (EOD) ng Davao City Police Office (DCPO).

Sa lakas na pagsabog ay uma­bot ang lakas nito sa barracks ng SATU (Special Anti-Terrorism Unit). Nawasak din ang kisame ng dormitoryo sa kabila ng nasabing kampo habang lumikha rin ng sunog ang pagsabog kung saan mabilis na nagresponde ang Davao City Bureau of Fire Protection at Central 911 gamit ang kanilang mga firetrucks  at agad na naapula ang apoy.

Walang nasugatan at nasawi sa insidente. (Rhoderick Beñez)

 

vuukle comment

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with