2 jailguard, driver utas sa ambush!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

Maghahatid ng 5 detainees

MANILA, Philippines — Dalawang jailguard at isang tricycle driver ang nasawi makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naghahatid ng mga detainees pabalik sa kanilang piitan sa Palompon Sub-Provincial Jail sa Villaba, Leyte nitong Martes Santo ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Leo Gonzales at Genesis Piamonte; pawang mga miyembro ng Palompon Sub-Provincial Jail sa Palompon, Leyte. Samantalang patay din ang tricycle driver na si Jay-R Escoton matapos na tamaan ng ligaw na bala sa insidente.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 8 Director Police Brigadier General Dionardo Carlos, nangyari ang insidente sa highway ng Brgy. Tagbubuga habang ibinabiyahe ng dalawang jail officer ang limang preso pabalik sa nasabing kulungan lulan ng tricycle na minamaneho ni Escoton bandang alas-4:30 ng hapon.

 Sa imbestigasyon, ang mga salarin ay magkaangkaas sa motorsiklo na nakasuot ng jacket at helmet nang dikitan ang tricycle at puntiryahin ng pamamaril ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Ang dalawang jailguard ay dead-on-the-spot sa insidente habang dead-on-arrival naman sa Palompon District Hospital ang driver ng tricycle. 

Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang limang inmates na sakay ng tricycle na naibalik na sa nasabing jail.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with