Sinisiyasat ng mga awtoridad ang pakete ng cocaine na isinuko ni Roger Gabotero matapos nitong malambat habang nangingisda sa karagatang sakop ng Basco, Batanes.
Raymund Catindig
P5.7-M pang cocaine nalambat sa Batanes
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Nasa P5.7 milyong halaga ng cocaine na nakalagay sa Chinese green tea package ang narekober ng isang mangingisda na palutang-lutang sa karagatan ng Basco, Batanes noong Martes.

Sinabi ni Cagayan Valley Police Director Brig. Gen. Mario Espino na ang kontrabando na may timbang na mahigit isang kilo ay nakita ni Roger Gabotero ng Brgy. Kayhuvukan malapit sa Naidi Light House dakong alas-3:20 ng hapon saka niya ito isinuko sa pulisya. 

Ayon kay Espino,  nag­lunsad ng search party ang pulisya sa lugar upang mahanap pa ang iba pang kasama ng narekober na droga sa dagat. Matatandaan na18 bricks ng floating cocaine na tumitimbang ng mahigit 18 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng halos P80 milyon ang narekober ng dalawang mangingisda sa Brgy. Dipudo, Divilacan, Isabela noong Pebrero 2018.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with