Bulacan buy-bust: 1 todas, 8 timbog
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Philippines — Isang umano’y drug pusher ang napatay ng mga ope­ratiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Jose del Monte Police matapos na makipagbarilan sa ikinasang buy-bust operation noong Martes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte Police, ang napatay na suspek na si Bryan Salazar alias “Ayan” ng Phase 4, San Jose Heights, Brgy. Muzon ng nasabing siyudad.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi habang isinasagawa ang operasyon sa Blk 4, Phase E1, Francisco Homes, Brgy. Mulawin, San Jose del Monte City, nang matunugan ni alias Ayan na isang police asset ang ka-tran­saksyon sa bentahan ng droga kaya mabilis na tumakbo ito at nagtago sa loob ng kanilang bahay. Pinaputukan nito ang mga humahabol na pulis na nauwi sa shootout sanhi ng kanyang kamatayan.

Narekober sa lugar ang 25 plastic sachet ng shabu, isang cal .38 Smith and Wesson, cellphone, drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala, walo pang hinihinalang tulak na sina Jeffrey Gatuz; Romer Espartero; Edwin Fajardo; Danilo Cruz; Arnel Nicolas; Romy Morales; Aron Adriano at Ruther Maglonzo ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Guiguinto, Obando, Baliwag at Norzagaray. Nabawi sa kanila ang 8 plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

BULACAN BUY-BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with