Campaign leader ng governor itinumba!
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO – Pinasok at pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 56-anyos na campaign leader ni incumbent South Cotabato Governor Daisy Avance Fuentes habang nagkakape sa kanilang bahay sa Brgy. Linan, Tupi, South Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Avellana Fuentes, 56, may-asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, pinasok ng suspek ang pamamahay ng biktima at nagtanong kung sino si Mario.

Nang sumagot ang biktima na siya si Mario, agad siyang binaril sa ulo ng suspek sanhi upang bumulagta sa sahig. Habang nakadapa, muling binaril sa ulo ng suspek na agad tumakas matapos ang krimen pasado alas-4:00 ng hapon. Isinugod sa ospital si Fuentes ngunit binawian din ng buhay.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with