Dalaga ni-rape slay sa Cavite
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ginahasa muna bago tuluyang pinatay ang isang 23-anyos na dalaga na natagpuang hubo’t hubad sa Noveleta, Cavite kamakalawa.

Dakong 6:00 ng gabi nang madiskubre sa abandonadong kubo sa bakanteng lote ng Brgy. Sta Rosa 2, nasabing bayan ang biktima na kinilalang si Lynrose Arraya, empleyada ng HRD, Epza.

Walang saplot ang biktima at natagpuan din sa crime scene ang basag na bote na pinaniniwalaang ginamit sa pamamaslang sa dalaga.

Bago ang pagkakatagpo sa biktima, nag-post pa sa Facebook ang kapatid nito kamakalawa ng umaga at humihingi ng tulong upang mahanap ang nawawalang kapatid dahil huli umano nila itong nakausap ay bandang alas-10 ng gabi noong Lunes pagkalabas sa trabaho at sinabing pauwi na siya pero hindi na nga nakarating pa sa kanilang bahay.

Malapit lang umano ang bahay ng biktima sa kinatagpuan nito at pinaniniwalaang naglakad pauwi mula sa kanyang trabaho ang dalaga at doon na nga hinarang ng hindi pa nakikilalang suspek.

 

RAPE SLAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with