_ngayon
^

Vote buying, illegal propaganda materials laganap sa Romblon

(Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

ODIONGAN, Philippines — Hinamon ni incumbent Romblon Sangguniang Panlalawigan Dongdong Ylagan ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng “Ope­ration Baklas” sa buong lalawigan dahil sa laganap sa mga ilegal at malala­king political propaganda materials na hindi naka­lagay sa tamang lugar.

Bukod dito, nakiusap din si Ylagan sa Comelec na imbestigahan sa lalong madaling panahon ang massive vote buying at pananakot sa mga botante nang magsimula ang local campaign noong Marso 29.

Ayon kay Ylagan, halos lahat ng government buildings, public elementary and high school buildings at mga pribadong opisina at bahay ay may nakadikit na mga tarpaulin at plastic propaganda materials mula sa kampo ni Eleandro Madrona na tumatakbong congressman.

Paliwanag ni Ylagan, dapat gumawa agad ng aksyon ang Comelec at dapat ma-disqualify ang mga kandidatong tulad ni Madrona na aniya’y lumabag sa elections code at hindi pagsunod sa mga designated areas na itinalaga ng ahensya kung saan nararapat ilagay ang mga propaganda o campaign materials ng bawat kandidato.

Dagdag pa ni Ylagan, bago pa magsimula ang political campaign, nakatanggap ang mga barangay chairmen sa lalawigan ng multi-cab mula sa isang kandidato na isa umanong sen­yales ng panunuhol.

ROMBLON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with