^

Probinsiya

Bangka lumubog: Pamilya, 3 lunod

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bangka lumubog: Pamilya, 3 lunod

MANILA, Philippines — Patay na nang ma­tagpuan habang si­ni­siklot nang alon sa gitna ng dagat ang bangkay ng tatlong miyembro ng pa­milya matapos lumubog ang kanilang sinasakyang bangka habang patu­ngo sa Brgy. Buenavista sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rolando Quinonez, 50; misis nitong si Belen; at anak nilang si Lovely Quinonez, 9, pawang residente ng Brgy.Salvacion.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay nakita ang mga biktima na sumakay ng kanilang kahoy at de-sagwan na bangka patungong Brgy. Buenavista para dumalo sa isang “Pabasa” ng kamag-anak.

Habang nasa kalagitnaan ng dagat ay sinalubong sila ng higanteng  alon dahilan para tumaob ang sinasakyan nilang bangka at sila ay nalunod.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Emergency Management Team ng munisipyo at inabot nang ilang oras sa paghahanap hanggang sa matagpuan ang tatlong biktima na palutanglutang sa dagat malapit sa tumaob nilang  bangka.

vuukle comment

BOAT SINKING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with