2 NPA officials, 2 pa sumuko
MANILA, Philippines — Dumanas ng panibagong dagok ang New People’s Army (NPA) matapos na apat pa sa kanilang mga kasamahan kabilang ang dalawang lider ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa magkakahiwalay na insidente sa Davao Oriental at Misamis Oriental kamakalawa.
Ayon kay Lt. Col. Ezra Balagtey, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command, dakong alas-8:00 ng umaga ng unang magsisuko sa tropa ng Army’s 67th Infantry Battalion ang dalawang lider ng NPA rebels.
Si alyas Ka Dodong ay sumurender sa tropa ng mga sundalo sa Brgy. Gulang Gulang, Mati City, Davao Oriental. Sumunod namang sumurender ang isang alyas Ka Kokoy sa patrol base ng militar sa Brgy. Tubaon,Taragona, Davao Oriental.
Samantala, ang dalawang lider ng NPA, isa rito ay Vice Commander at isa namang squad leader at medic ay sumurender naman kay Lt. Col. Roy Anthony Derlito, Commander ng Army’s 58th Infantry Battalion sa Brgy. MIgbantay, Claveria, Misamis Oriental.
Kinilala sa alyas na Ka Junjun/Shooter at isang alyas Ka Em-Em na nahikayat magbalikloob sa gobyerno matapos ang masusing negosasyon.
Patuloy namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nagsisukong rebelde.
- Latest