^

Probinsiya

2 drug pusher dedo sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa umanong tulak ng droga ang nasawi nang ito ay manlaban umano sa  magkahiwalay na drug buy-bust operations sa bayan ng Cabiao at Cabanatuan City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawing suspek ay sina Danilo Luris y De Lara, alyas Danny, 44-anyos, may live-in partner ng Barangay Concepcion, Cabiao, Nueva Ecija; at Rocky Parojinog, alyas Rocky Mallari, nasa hustong edad, ng Barangay Imelda District, Cabanatuan City.

Sa ulat, bandang alas-9:10 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang pulisya sa Barangay Concepcion na humantong sa pagkasawi ni Luris nang ito umano ay manlaban.

Ganito din ang sinapit ni Parojinog makaraang manlaban umano ito sa kamay ng sanib-puwersa ng drug enforcement team ng Cabanatuan City PNP at mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isi­nagawang buy-bust operation, bandang alas-11:45 ng gabi sa Purok Amihan, Barangay Barrera, Cabanatuan City.

Nakarekober ang pulis­ya ng 2 caliber .38 pistol, 2 piraso ng marked money na P500 bill, mga aluminum foil, at 9 na piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu. 

vuukle comment

DRUG BUY-BUST OPERATIONS

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with