^

Probinsiya

Footbridge bumagsak, obrero dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang obrero makaraang bumagsak ang tinutuntungan niyang footbridge na kanilang ginagawa sa Brgy. Bagong, Sablan, Benguet nitong Biyernes. Kinilala ang biktima na si Rafael Calao, 20-anyos, tubong Brgy Labueg, Kapangan, Benguet. Sa ulat ng Cordillera Police, dakong alas-9 ng gabi nang iulat sa pulisya ni Sablan Mayor Arthur Baldo ang insidente. Ayon kay Ruben Pache­ro, 31-taong gulang, contractor, residente ng Brgy. Bagong, Sablan, Benguet, dakong alas-3 ng hapon habang abala ang biktima sa pagtratrabaho sa itinatayong 15-16 metrong taas na footbridge nang biglang bumigay ang sinasandalan nitong poste. Bunga nito, bumulusok ang bik­tima sa lupa na sa kamalasan ay una ang ulo nitong bumagsak at humampas sa matigas na bagay. Nagawa pang maisugod ang biktima sa Benguet General Hospital pero nabigo nang maisalba ang kanyang buhay. (Raymund Catindig)

vuukle comment

FOOTBRIDGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with