^

Probinsiya

Mag-asawa pinasok, niratrat: 1 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang 47-anyos na mister habang sugatan ang kanyang  misis matapos silang pasukin sa kanilang bahay at pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa Divina St.,Purok-6, Brgy.Talisay sa Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hatinggabi. Agad nasawi dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Roy Agustin Roble habang sugatan ang kanyang asawa na si Donna Orpela Roble, 41-anyos, residente ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-12 ng hatinggabi, natutulog ang mag-asawa nang ma­gising dahil sa mga katok na narinig sa pintuan ng kanilang bahay. Sumilip ang mag-asawa kung sino ang kumakatok pero biglang sinipa ang pintuan ng tatlong gunmen at agad pinagbabaril si Roy sa iba’t ibang bahagi ng katawan.Tinangkang umawat ng asawang si Donna pero pati siya ay tinamaan sa braso ng bala. Matapos ang pamamaril, nakitang tumatakbong tumakas ang mga suspek. Nakuha sa lugar ang mga basyo ng bala ng kalibre 45 at kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with