^

Probinsiya

Empleyada ng munisipyo kinatay

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang 37-anyos na empleyada ng munisipyo ang nasa malubhang kalagayan matapos na pagsasaksakin ng kanyang lalaking kapitbahay na sinampahan nito ng kaso sa korte kamakalawa ng gabi sa Brgy. Ibayo, Silangan, Naic. 

Kinilala ang biktima na si Maricon Quinto, 37-an­yos, kawani ng Naic Municipal Hall at residente ng  #21 Brgy. Ibayo Estacion, Naic Cavite.

Arestado naman ang suspek na si Winston Pangilinan, 36-an­yos, company driver, residente ng 140 Gover­nor’s Drive, Brgy. San Roque, Naic.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:30 ng gabi, sumakay umano ng tricycle ang biktima at nang makita siya ng suspek ay agad na sinundan sakay din ng isa pang tricycle. Nang bumaba ang biktima sa may Phoenix gasoline station ng Brgy. Ibayo, Silangan hinggil sa may kausap umanong isang tao. 

Agad ding bumaba ng tricycle ang suspek at agad na nilapitan at kinompronta ang biktima hinggil sa kaso umano isinampa nito laban sa una na “Emotional Abuse”. Nauwi sa mainitang pagtatalo ang komprontasyon hanggang sa mapikon ang suspek na agad bumunot ng patalim at sunud-sunod na inundayan ng saksak ang biktima. 

Duguang bumagsak ang biktima na agad namang naitakbo sa pagamutan habang agad ding nadakma ng mga awtoridad ang papatakas na suspek. 

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with