Driver ginulungan ng sariling trak, tepok
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kamalasan ang inabot ng isang drayber nang gulungan ng sariling trak na kanyang minamaneho makaraang matagumpay na makumpuni, naganap sa compound ng kanyang amo sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela, kamakalawa.

Sa report ng pulis­ya, nagpunta sa ilalim ng dump truck si Jhun-Jhun Tutatan, 39-anyos, at kinalikot ang ilang parte nito upang mapaandar ang makina, dakong alas 9:00 ng umaga sa garahe ng Irene Grains Center.

Nagawa namang mapaandar ng biktima ang sasakyan subalit tumakbo itong mag-isa at dinaanan pa siya ng gulong.

Sinikap isugod ng kanyang mga kasamahan si Tutatan sa isang pribadong hospital sa Cauayan City kung saan siya idineklarang dead-on-arrival. (Victor Martin)

ROAD ACCIDENT ISABELA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with