3 drug pusher patay sa buy bust
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

NUEVA ECIJA  , Philippines  —  Pa­tay ang tatlong hini­hinalang mga tulak ng droga makaraang maki­pagbarilan sa pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operations sa lalawigang ito kamakalawa.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Col. Leon Victor Rosete, Nueva Ecija Police provincial director, nakilala ang mga napatay na mga suspek na sina Arnold Miclat y Flordeliza, 45, may-asawa, jobless, ng Barangay Pag-asa, Talavera; Gerry Caronan ng Cabanatuan City; at Jerwin Solomon, alyas Waweng, ng San Jose City.

Ayon sa ulat, ganap na alas-4:00 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa Barangay San Anton sa bayan ng San Leonardo, kung saan napatay ang tulak na si Arnold Miclat matapos na manlaban sa pulisya at nakuha sa kanya ang 3 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Bandang alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa rin buy-bust ang pinagsanib na puwersa ng Gapan City PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Bayanihan, Gapan City kung saan matapos umanong magpalitan ng marked mo­ney at umano’y shabu ay nakahalata ang suspek na si Gerry Caronan na pulis ang kanyang ka-transaksyon na nauwi sa palitan nila ng putok ng baril at bumulagta ito pagkatapos.

Naganap naman bandang alas-11:45 ng gabi ang buy-bust ope­­ration ng pulisya sa Barangay Licaong sa Science City of Muñoz, kung saan nanlaban ang suspek na si Jerwin Solomon nang siya ay aarestuhin na matapos umanong tanggapin nito ang P1,000 bill na marked money at ibigay ang 2 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nagpakilala raw umano ang pulis na poseur buyer na siya ay alagad ng batas.

DRUG PUSHER ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with