Kontrata sa pagtatayo ng Malolos-Clark Railways, isusubasta na
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

Malolos City, Bulacan  , Philippines  —  Naglabas na ng imbitasyon ang Department of Transportation (DOTR) para sa mga nais maghain ng panukalang kontrata sa isusubastang proyekto na Malolos-Clark segment ng North-South Commuter Railways (NSCR).

Lahat ng nais lumahok sa subasta ay maaaring magsumite ng panukalang kontrata hanggang bago mag-alas 10 ng umaga ng Mayo 10, 2019. Dapat dalahin ito sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) sa RR Road, Cristobal street, Paco, Manila.

Ayon kay DOTR Usec. for Railways Atty. Timothy John ‘Tj’ Batan, binubuo ng tatlong contract packages ang NSCR Phase 2 na magtatayo ng railway viaduct na may habang 53-kilometrong riles mula sa Malolos hanggang sa Clark International Airport (CRK). Ito ay isang elevated o nakataas na istraktura na magiging kauna-unahang airport-railway link ng Pilipinas.

Inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang NSCR Phase 2 bilang magiging kauna-unahang airport-railway link o riles na nakaderecho mismo sa isang paliparan sa Pilipinas. May kabuuang P628 bilyon ang proyekto na target matapos at mapaandar ang tren sa Setyembre 2022. Kaya nitong magbiyahe ng 550,000 pasahero araw-araw. Magkakaroon ito ng mga istasyon sa Malolos, Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles at sa Clark International Airport.

Ayon sa inilabas na terms of reference ng DOTR, dadaan sa ilalim ng lupa o magiging underground train ang bahagi ng NSCR Phase 2 pagdating sa Clark International Airport.

Base sa tala ng Department of Finance (DOF), may halagang P488 bilyon na Official Development Assistance (ODA) ang gagamitin para sa proyekto na pagtutulungan ng Asian Development Bank (ADB) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Sasagutin ng ADB ang halagang P286 bilyon upang maitayo ang mga pangunahing istraktura mula sa railway viaducts, tulay at mga istasyon nito. Habang popondohan ng JICA sa halagang P201 bilyon ang para sa pag-assemble ng mga tren at ang electromechanical nito.

Bukod sa ODA na nauna nang inaprubahan ng ADB at ng pamahalaan ng Japan, may P140 bilyon na sariling pondo ang inilaan ng pamahalaan ng Pilipinas para sa NSCR Phase 2.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION MALOLOS-CLARK RAILWAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with