3 big time drug traffickers tiklo; P21.5 M marijuana nasamsam
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga otoridad makaraang masakote ang tatlong pinaghihinalaang big time drug traffickers na nagresulta rin sa pagkakasamsam sa P21.5M halaga ng marijuana sa isinagawang 3 araw na marijuana eradication operation hanggang kamakalawa sa Kalinga.

Sa ulat ni Cordillera Police Director Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson, kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Jerry Magdula, 38; Rommel Tailod, 37 at Pedro Tagupa, 30; pawang mga manggagawa sa construction at mga residente ng Isabela habang nagsasagawa ng pot session sa isang itinatayong gusali ng eskuwelahan sa Brgy. Nambaran, Tabuk City,  Kalinga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang transparent sachet na naglalaman ng shabu at mga drug paraphernalia.

Samantala, nagresulta rin ng serye ng marijuana eradication ang mga oto­ridad sa pagkakasamsam ng P 21.5 M bulto ng mga binhi, puno at mga pinatuyong dahon ng marijuana sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Kabilang sa mga nakumpiskang marijuana ay 107,600 piraso ng puno nito na nakatanim sa 5,650 metriko kuwadradong taniman, mga binhi at pinatuyong dahon.

Inihayag ng opisyal na ang mga nasamsam na marijuana ay sinunog na sa lugar ng mga elemento ng Tinglayan Municipal Police Station (MPS), Drug Enforcement Unit at Provincial Mobile Force Company ng Kalinga Provincial Police Office at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cordillera.

DRUG TRAFFICKERS MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with