2 Australian, 4 pa tiklo sa droga
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - March 20, 2019 - 12:00am

ANGELES CITY, Philippines — Huli sa akto ang dalawang Australian national at apat na kasamang Pinoy habang bumabatak ng shabu sa Narciso Extention, Brgy. Malabanias, Angeles City, Lunes ng gabi.

Sa ulat kay P/Major Rolando Doroja, Police Station 4 commander, kinilala ang mga suspek na sina Mark Phillip Williams 53, Australian national na kasalukuyang tumutuloy sa 44 Boomerang Hotel, Brgy Malabanias; Anthony Philip Stein, 56, Australian national, residente ng Narciso Extention, Brgy. Malabanias, Angeles City; Raffy Boy Masaga, 31, jobless, Ranimil Delante, 31, may asawa parehong residente ng Sto. Nino, Brgy. Balibago; Glory Ann Oledan, 28, at Flora Mae Ortilano, 28, ng Sto. Nino, Brgy. Balibago, Angeles City.

Dakong alas-9:30 ng gabi matapos ang tinanggap na tawag mula sa isang  concerned citizen kaugnay sa nagaganap na pot session sa nasabing lugar, agad na rumesponde ang mga pulis at naaktuhan ang mga supek habang sumisinghot ng shabu.

ARRESTED FOR DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with