Magsasaka inatado ng kainuman sa Catanduanes
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Binawian ng buhay habang ginagamot ang 57-anyos na magsasaka matapos pagtatagain ng kanyang kainuman at inihulog pa sa drainage canal sa Brgy. Buhi sa bayan ng San Miguel, Catanduanes kamakalawa ng madaling araw.

Nasawi bunsod ng malalalim na taga sa katawan at ulo ang biktimang si Edgar Buates, residente ng nasabing barangay. Tinutugis naman ang tumakas na suspek na kinilalang si Norberto Bermas, residente ng bayan ng Rapu-Rapu, Albay.

Sa ulat dakong alas-3:00 ng madaling araw nang magpasyang umuwi na si Buates matapos ng magdamagang inuman ng biktima at suspek kasama ang isang kaibigan.

Sumabay naman ang suspek pero habang naglalakad sa kalsada sa hindi malamang dahilan biglang bumunot ng itak si Bermas at pi­nagtataga sa ulo at katawan ang biktima at duguang inihulog sa drainage canal sa nasabing lugar.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero kalaunan ay nasawi.

CRIME HOMICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with