Mag-utol nalunod sa poso negro
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan – , Philippines  —  Dalawang obrero ang namatay sa pagkalunod habang nakaligtas naman ang isa nang bumuhos ang rumagasang maruming tubig na puno ng dumi habang nagsisipsip sila ng poso negro ng isang gusali sa College Avenue, Brgy. Centro 8 ng lungsod na ito kahapon. Sa report kay Supt. George Cablarda, hepe ng Tuguegarao City Police, sinisipsip ang septic tank ng mga manggagawa ng “EEV Excavation, Sipsip Posonegra” na sina Roger Bernales, utol na si Vincent Bernales at Paul Rebato nang biglang bumuhos ang maruming tubig.

Dahil sa nakakasulasok na amoy na nagdulot ng pagkahilo at kadiliman sa butas ng septic tank, naunang nasagip ng mga sumaklolo si Bernales na kaagad binigyan ng mouth to mouth resuscitation. Sumunod na naiahon ang magkapatid na Roger at Paul subalit pero kapwa na silang patay.

DROWNED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with