^

Probinsiya

2 parak dedo sa bakbakan vs NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 parak dedo sa bakbakan vs NPA
Sinabi ni Captain Jay Patrick Retumban, spokesman ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), bandang alas-9:40 ng umaga nang makasagupa ng isang seksyon ng tumutugis na tropa ng pamahalaan ang nagpupulasang NPA rebels sa Sitio Imbrasan, Brgy. Mapayapa, San Jose ng lalawigang ito.
File Photo

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nasawi makaraang ma­kaengkuwentro ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon ng umaga.

Sinabi ni Captain Jay Patrick Retumban, spokesman ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), bandang alas-9:40 ng umaga nang makasagupa ng isang seksyon ng tumutugis na tropa ng pamahalaan ang nagpupulasang NPA rebels sa Sitio Imbrasan, Brgy. Mapayapa, San Jose ng lalawigang ito.

Kinilala naman ni Supt. Socrates Faltado, spokesman ng Mimaropa Police ang mga nasawi na sina  SPO1 Bonifacio Tacuyo at SPO2 Raymond Robles; pawang kasapi ng 1st Police Mobile Group Company.

Bago ito, dakong alas-6 ng umaga nang unang makasagupa ng tropa ng 203rd Infantry Brigade (IB) sa ilalim ng super­bisyon ni Col. Marceliano Teofilo sa Sitio Barungbong, Brgy. Mapaya ng nasabing munisipalidad. Nagkaroon ng 15 minutong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mahigit 10 rebelde sa ilalim ng Platoon Mike ng Kilusang Larangan Guerilla Sila­ngan.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with