^

Probinsiya

Killer ng make-up artist timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Bumagsak na sa kamay ng mga awtoridad ang tinaguriang “Most Wanted Person” sa lalawigan na responsable sa pamamaslang sa make-up artist ng mga sikat na artista kamakalawa sa Brgy. Langkaan 2, Dasmarinñas City kahapon. 

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nang madakip sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City ng pinagsanib na puwersa Dasmariñas City Police, Regional Intelligence Division 4A (RID), at Cavite Provincial Intelligence Team/Regional Special Operations Unit (PIT/RSOU), ang suspek na si John Rondolf Famadico Ruperto, 25, ng Blk 19 Lot 1, Cara St., Cluster 6, Bella Vista, Brgy. Santiago, General Trias City, Cavite.

Ayon kay Police Supt. Nerwin Ricohermoso ng Dasmariñas Police, si Ruperto ay isa sa tatlong suspek sa brutal na pamamaslang kay Dindo Malig alyas “Sugar”, noong Nob. 2, 2017.

Si Malig ay natagpuang tadtad ng saksak at minartilyo pa ang ulo nito saka itinapon sa madamong bahagi ng Parklane Subdivision na may 200 metro ang layo sa kanyang bahay sa General Trias City. 

Nauna nang sumuko sa mga awtoridad ang isang menor-de-edad at nagkuwentong matapos silang mag-inuman ay doon na nila pinatay ang biktima at pinagnakawan. Inginuso nito ang dalawa niyang kasama na nagresulta sa pagkakadakip kay Ruperto.

vuukle comment

MOST WANTED PERSON ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with