^

Probinsiya

‘Tulak’ tiklo sa P400,000 shabu

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� tiklo sa P400,000 shabu

CANDELARIA, Quezon  , Philippines  —  Isang sinasabing notoryus na ‘tulak’ ng droga ang nasakote ng mga otoridad habang nasa mahigit P.4-milyong ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa suspek makaraang magsagawa ng anti-drug ope­ration ang mga otoridad sa Sitio Tibanglan, Brgy. Malabanban Norte, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) P/Supt. Dennis de Leon ang nadakip na si Samen Sambawa, alyas “Aries”, 32 ng nasabing lugar at umano’y kabilang sa drug watchlist dahil sa talamak nitong pagtutulak ng droga sa bayang nabanggit.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang isagawa ng combined team ng RDEU at MDEU ang buy-bust operation laban sa suspek na nabilhan ng isang pakete ng shabu at sa body search ay nakuhaan pa ng camouflage sling bag na naglalaman pa ng pitong pakete ng droga na tumitimbang ng 76 gramo at tinatayang nasa P.4-milyon ang halaga, at P1,000 marked money.  

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with